Tuesday, March 3, 2009

im so gay..

Nung sabado nagpahatid ako sa tatay ko sa attendan ko na kasal ng isang kaibigan. Habang nasa daan nagkaroon na naman kami ng conversation ng tatay ko dahil sa suot ko. Puna nya sa suot ko "Hindi ka man lang nagayos ng suot.. nagdress ka sana.. kasal un pupuntahan mo". Haller?! dress?! susme matagal ng walang lumalapat na dress sa katawan ko. Sagot ko na lang "maayos naman tong suot ko ha.. yoko magdress.. hassle un." Ang akala ko titigil na tatay ko kakasalita.. hihirit pa pala " ewan ko sa'yo.. hindi ko alam kung tibo ka o ano!" Ayun nanahimik na lang ako pero sa isip ko "eh ano naman kung tibo ako?!" pero mas pinili kong huwag na lang magsalita para hindi na humaba ang usapan. Natatakot din kasi ako sa magiging reaksyon nya.. baka hindi ako makarating ng kasal at ibunggo na lang nya ung sasakyan namin. Pero sa isang banda baka nahahalata na rin naman nila, madami na din kasing nagbago sa kin mula ng madiscover ko na iba ako. Sa pananamit, pananalita at sa galaw madami ng bago. Hindi ako typical na lesbiana.. oo boyish ako pero hindi ako kabilang sa mga stereotype na lesbian. Hindi ako against sa mga lesbian na kung titingnan mo ay mukhang lalaki na. Kanya-kanyang preference yan weh. Ayoko makulong sa isang "label" na hindi naman ako kumportable. Ayokong magpretend na hindi naman ako kasi parang niloloko ko lang sarili ko pag ganun. Marami kasi uri ng lesbian.. Lesbian 101 muna tayo...

Dyke/Hard Butch - yan yung mga tipong sa pananamit, galaw, isip at salita ay feeling lalaki na talaga. Yung mga tipong nagbribrief.. =)
Soft Butch - yan yung mga pabutch na mejo malamya.. ung mapapaisip ka ba kung lesbian or hindi. May kakikayan pang tinatago..
Femme - yan yung mga girls na pagirlaloo talaga.
Bicurious - yan yung bipolar at mejo windang pa kung ano talaga gusto nila.
Lipstick lesbian - mga pafemme na lesbian na hilig eh girls din.

Gusto nyo ba itanong kung ano ako sa mga nabanggit? Sagot.. wala.. dahil ayoko ngang makulong sa isang "label". Ayon nga sa nabasa kong libro "same sex in the city"....



labels are for filing. labels are for clothes. labels are not for people.


ikaw ba gusto mo makulong sa isang bansag na hindi ka naman kumportable?


Noong nadiscover ko na may kakaiba sa akin.. nung una nahirapan akong tanggapin na ganito nga ako. Matagal akong naging in denial. Pasalamat na lang ako may mga kaibigian akong tinanggap ako bilang ako. Maaaring katulad ko din sila hindi nila agad matanggap yung pagbabago sa akin. Pero mapalad ako kasi inintindi nila ako.


Normal sa mga newborn lesbian na maexcite sa bago nilang mundo. Late bloomer ako.. 23 years old ako nung marealize ko na i like girls pala though nung highschool pa ako nagkakaron na talaga ko ng mga girl crush. Aaminin ko nung bago pa lang ako gusto ko agad pumasok sa isang relationship. Naexperience ko ung relationship after relationship. Go lang ng go. Mas pinapairal ko ung excitement na nararamdaman ko kesa sa tunay na nararamdaman ko. Dati feeling "empty" palagi kapag walang kapartner. Yung tipong kailangan after a break up may kapalit na agad. Laging on the rebound. Yung iba ko ngang naging girlfriend hindi ko na maalala ang pangalan ngayon. Pero habang lumilipas ang panahon nakakasawa din yun ganung routine. Lagi ka na lang heartbroken.. walang nagiging seryoso at stable na relationship.

Yung first girlfriend ko medyo nagseryoso ako dun. Actually nafall talaga ako and lucky naman ako kasi nafeel ko naman na love din nya ko. Yun lang hindi lang talaga nagwork yung relationship namin. It's a good thing na friends pa din kami ngayon. Then after that relationship after relationship na hanggang dumating sa point na napagod na din ako. Gusto ko na magseryoso. Pero wala naman gustong magseryoso sa akin. I decided na pahinga na lang muna.. sabi ko nga pag tinatanong ako kung single ako lagi kong sagot " single and non-practicing" kasi nga matagal na kong single at hindi naprapractice pagiging lesbian ko. =)

Mahirap na masaya ang mapabilang sa third sex. Kailangan tanggapin mo muna sarili mo kung ano ka maging komportable ka bago ka matutunang tanggapin ng ibang tao.






2 comments:

glesy the great said...

hmmm... feeling ko alam na ng tatay mo yun...

at tungkol naman sa pagiging lesbian mo... tama yan, wag kang makikisunod kasi uso lang... asar kasi ako sa mga ganun...

just be yourself.. dati naman di ka ganyan bakit mo iibahin ang sarili mo kasi nadiscover mo lang na lesbian ka pala... di ba ang babaw nun?

advice: be happy!!! try out new dresses.. joke.. cheers;p-glesy the great

ayen said...

tnx glesy! ang sipag mo magcomment sa mga wala kong wentang post.. =) hehe..

maniniwala ka bang nagskiskirt ako dati? yun lang hindi na ko na talaga carry ngaun.. =)